Lagi mong iniisip na bukas pwede naman, bukas sisipagan mo hanggang sa hindi mo na ginawa. Isa kang fraud, lagi mo niloloko ang sarili mo, akala mo laging may bukas kaya tinatamad ka ngayon. Bawat araw mahalaga kung gusto mo talagang lumakas, bawat reps may katuturan, bawat pawis magpapalakas sayo.
2. MARAMI KANG EXCUSES
Sobrang dami mong dahilan pag kailangan ka sa laro. Pangit ang panahon, masakit ang katawan, may lakad, bumabagyo, may date ka etc. Marami ka masyadong sinasabi imbis na maglaro ka na lang. Kaya ayan hindi ka na sanay sa discomfort, puros ka excuses, puros ka palusot na walang katuturan kaya lalo kang humihina.
3. UMIIWAS KA SA PRESSURE.
Pinapalaro mo ang ibang tao pag malalakas ang kalaban, nagpapapalit ka pag nahihirapan ka na. Mas gusto mo pang nanonood kesa lumalaban ka. Umiiwas ka dahil ayaw mong mapahiya, gusto mo lang manalo pero ayaw mo harapin kung ano ang mahirap.
No comments:
Post a Comment